- Viral ngayon ang larawan ng isang lolo habang kinukuhanan ng video ang nagtatanghal na apo
- Hawak ang kanyang simpleng cellphone, nakangiting kinuhanan ng matanda ang kanyang mahal na apo
Marami ang naantig sa nasabing larawan at umabot na rin sa mahigit 70,000 ang reactions nito
Image capture via SMS Senior High Page | Facebook
Sa Facebook, libo-libo ang naantig sa larawan ng isang matandang lalaki na masayang kinukuhanan ng video ang kanyang apo habang nagtatanghal sa acquaintance program nito sa paaralan. Bagama’t hindi gaanong moderno ang kanyang cellphone na may keypad pa gayong touchscreen na ang uso, makikita sa ngiti ng matanda na sapat lang ito para makakuha ng remembrance sa importanteng araw na ito sa buhay ng kanyang apo; para ma-capture ang moments na hindi na maibabalik pa.
Dahil sa litratong ito, marami ang bumalik sa panahon at inalala ang mga sandali kung kailan kasama pa nila ang kanilang lolo o mga magulang na talagang sinusuportahan sila sa kanilang mga hilig at hindi nawawala sa mga importanteng araw sa buhay nila.
“The best photographer are your parents and also your grandparents,” komento ni J. Manalo.
“I wish I could hug him para man lang kahit papano mayayakap ko ‘yong lolo ko na nasa heaven na,” ani K. Montefalco.
Sa Facebook account ng anak ni Lolo na si GrahCxa Cubero Broniola ay naka-post ang iba pang larawan na kuha ng official photographer sa nasabing school program. May nag-offer na rin na magpapadala ng touchscreen cellphone para sa matanda. Gayunman, baka hindi rin daw ito matutunan gamitin ng lolo.
Ani Grahcxa, hindi techy ang kanyang ama at sadyang stage lolo lang ito kaya mahilig mag-video at kumuha ng picture ng kanyang mga apo.
Napakasuwerte ng mga bata na may lolong labis na nakaabang sa mga kaganapan sa kanilang buhay ano?



0 Comments